Matutustusan ng 8.3 billion pesos na pondo ang lahat ng tuition fee ng mga naka-enrol sa State Universities and Colleges (SUCs).
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Prospero de Vera, ang naturang halaga ay nakabatay sa average tuition fee na 6,500 pesos kada mag-aaral.
Ipinaliwanag ni De Vera na kailangang itaas ang itatalagang pondo para dito sa mga susunod na taon, lalo na at magkakaroon na din ng first year college students sa 2018.
Bahagi ng pahayag ni CHED Commissioner Prospero de Vera
on Licuanan
Pinababawi ni CHED Commissioner Prospero de Vera kay Chairperson Patricia Licuanan ang akusasyon nakikipagsabwatan siya para mapaalis ito sa puwesto.
Iginiit ni De Vera na hindi totoo ang akusasyon at ang isyu ng pagbibitiw sa puwesto ay nasa pagitan na nina Licuanan at ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang diin din ni De Vera na hindi na dapat siya pilit isinasama sa usapin lalo na at hindi naman niya nakausap ang Pangulo bago hindi padaluhin sa cabinet meeting si Licuanan.
Bahagi ng pahayag ni CHED Commissioner Prospero de Vera
By Katrina Valle | Ratsada Balita