Muling iginiit ng Pentagon ang panawagan nito sa China na itigil na ang reclamation projects sa West Philippine Sea.
Ito ay ginawa ni US Defense Secretary Ash Carter, sa kanilang pagpupulong ni Gen. Fan Changlong, ang Deputy Head ng Central Military Commission ng China.
Sinabi ni Carter na makakabuting ihinto na ng China ang reclamation nito, at patuloy pa din naman ang commitment ng Amerika na makabuo ng matibay na ugnayan sa pagitan ng militar ng Amerika at China.
Muli din nanawagan si Carter sa lahat ng claimants sa South China Sea na itigil na ang militarisasyon doon, at isulong ang mapayapang paghahanap ng solusyon sa sigalot, na aayon sa international law.
By Katrina Valle