Patay ang Russian Ambassador to Turkey na si Andrey Karlov matapos barilin habang nasa isang art gallery sa Ankara.
Nasa kalagitnaan ng speech si Karlov sa opening ceremony ng photo exhibit nang umalingawngaw ang walong putok ng baril mula sa suspek na kinilalang si Mevlut Mert Altintas, na isang pulis.
Nakunan pa ng video ang pamamaril sa embahador at matapos nito ay sumigaw ang salarin ng “Allahu Akbar.”
Naniniwala ang mga awtoridad na ang assasination kay Karlov ay may kaugnayan sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Aleppo City, Syria kung saan nabawi ng syrian government ang lungsod katuwang ang Russian Forces mula sa mga rebelde.
Naganap ang pamamaril na itinuturing ding terror attack isang araw bago magpulong ang mga diplomat mula Turkey, Iran at Russia upang talakayin ang sitwasyon sa Aleppo.
Bagaman na-neutralize si Altintas, hindi pa malinaw kung naaresto o napatay ito habang inaalam na rin kung may kaugnayan ito sa grupong ISIS o mga Syrian rebel.
By Drew Nacino