Balik sa kanilang kamalasan ang Miami Heat makaraang hindi umubra sa Boston Celtics, 95-105.
First half pa lamang ay umabot sa 22 ang kalamangan ng Boston, para itala ang kanilang pan-limang beses na talunin ang Miami.
Lalo namang napahiya ang Miami sa harap ng kanilang fans dahil sa umabot sa 23 ang kanilang turn over na nagawang ma-convert pa ng Boston sa 24 points.
Samantala, wagi ang Philadelphia Sixers laban sa Brooklyn Nets, 108-107 sa banggaan ng binansagang worst teams ngayon sa NBA.
Namayani ang Sixers sa pangunguna ni Joel Embiid na may career high na 33 points, kung saan 17 rito ay nagawa nya sa third quarter.
Ito na ang ika-pitong panalo pa lamang ng Philadelphia tulad din naman ng record ng Brooklyn.
By Mariboy Ysibido