Paghahanda para sa ASEAN Summit sa susunod na taon.
Ito ang dahilan ng sunud-sunod na biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng bansa nitong mga nakaraang buwan.
Sinabi ng Pangulo na kailangan niyang mag-ikot sa ibang mga bansa para kumuha ng mga paunang feedback sa gagawing summit.
Aniya, mahalagang personal na makausap ang mga lider sa Asya para makuha ang kanilang mga pananaw at mga dapat asahan sa isasagawang pagpupulong.
Simula nang maupo sa puwesto ang Pangulo noong June 30 ay nakaikot na ito sa mga bansang Brunei, Laos, Cambodia, Malaysia, China, Japan Peru, at ang pinakahuli ay sa Singapore.
Report from Aileen Taliping (Patrol 23)