Malabong magkaroon ng bilateral ceasefire ang pamahalaan at ang National Democratic Front of the Philippines o NDFP ngayong taon.
Ayon kay Jose Maria Sison, Chief Political Consultant ng NDFP, kailangan pa itong pag-usapan sa ikatlong round ng peace talks sa susunod na taon
Gayunman, nananatili naman ang pagpapairal ng unilateral ceasefire na idineklara ng magkabilang panig habang ginaganap ang pag-uusap.
Una rito, nagkausap sa telepono si Sison at ang Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa peace negotiations.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sison na naging produktibo at friendly ang naging pag-uusap nila ng Pangulo.
By Len Aguirre