Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang paglaya ng 600 sa mahigit 1,000 Intsik na inaresto dahil sa illegal na pagtatrabaho sa Fontana Leisure Parks and Casino na pag-aari ni gambling tycoon Jack Lam.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, pinayagan ng Bureau of Immigration na makapagpiyansa ng tig-P56,000 o mahigit sa 30 milyong piso para sa 600 Intsik.
Sinabi ni Aguirre na kabilang sa mga lumagda sa bail order ay sina Immigration Commissioner Jaime Morente at ang sinibak na sina Associate Commissioners Al Argosino at Mike Robles.
Inayos ng isang law firm na posible umanong konektado kay Lam ang pagbabayad ng bail sa 600 mga intsik.
Matatandaan na ang kundisyon sa di umano’y 30 milyong pisong tinanggap di umano nina Argosino at Robles mula sa kampo ni Lam ay para sa pagpapalaya sa 600 mga manggagawang Intsik.
By Len Aguirre