Pinal na ang desisyon ni dating Pangulo Manila Mayor Joseph Estrada na tanggihan ang alok ni Vice President Jejomar Binay na maka-tandem sa 2016 Presidential elections.
Ayon kay Estrada, nanggaling na siya sa nasabing puwesto matapos ng natamong landslide victory sa Vice Presidential election noong 1992.
Anim (6) na taon naman makalipas niyan ay nanalo siyang Pangulo ng bansa bagamat napaalis dahil sa mga pagkilos matapos ang dalawa’t kalahating taong panunungkulan.
Sinabi ni Erap na tapos na siya sa mga puwestong ito at itutuon na lamang niya ang kaniyang pansin sa Maynila kung saan siya ipinanganak at sumikat bilang artista kaya’t dapat siyang gumanti sa mga Manileño.
Pinangunahan kapwa nina Erap at Binay ang flag raising ceremony kaugnay sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong araw na ito sa Luneta.
By Judith Larino