Kinondena ng Malakanyang ang pamamaslang kay Catanduanes Journalist Larry Que.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, umaasa sila na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Que.
Nitong lunes, binaril ng ‘di pa nakikilalang salarin ang biktima habang papasok sa kanyang opisina sa Virac, Catanduanes.
Kumbinsido naman ang National Union of Journalist of the Philippines o NUJP na pinatay si Que dahil sa isinulat nito sa kanyang column, sa wikang bikolano, hinggil sa nadiskubreng shabu laboratory sa Barangay Palta Small noong Nobyembre 26.
By: Meann Tanbio