Hinikayat ng Commission on Human Rights ang Administrasyong Duterte na payagan ang fact-finding mission ng United Nations Special Rapporteur on extrajudicial killings na umano’y nagaganap sa bansa.
Inilabas ng CHR ang nasabing kahilingan makaraang mapabalitang kinansela ng pamahalaan ang pagbyahe patungong Pilipinas ni Special Rapporteur Agnes Callamard dahil hindi umano nito tinanggap ang mga kondisyong itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kanyang pagbisita.
Sa panig naman ng Department of Foreign Affairs, nilinaw nitong hindi kinansela ng pamahalaan ang imbitasyon sa UN Special Rapporteur.
Gayunpaman, kailangan pa rin muna umanong tumalima ni Callamard sa mga patakaran ng gobyerno ng Pilipinas.
By: Avee Devierte