Inaasahang ilalabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang regulasyong tinawag na “Do30” o Department Order 30 sa December 28 bilang sagot kontra pang-aabuso sa mga manggagawa sa ngalan ng kontraktuwalisayon.
Alinsunod sa Do30, lalong hihigpitan ng DOLE ang pangongontrata ng trabaho at bawal na ang sub-contracting ng mga manggagawa.
Itataas naman sa 5 million pesos ang minimum capital requirement sa mga service contractor mula sa dating 3 million pesos bukod pa sa babayarang bond.
Ito’y upang matiyak na may kakayahan ang mga contractor na bayaran ng tama ang kanilang mga trabahador.
Obligado rin ang mga service contractor na sagutin ang benepisyo ng mga trabahador at oras na mawalan ng trabaho o matapos ang kontrata ay dapat pa ring hanapan ang mga ito ng trabaho ng kanilang agency.
By Drew Nacino