Tinawag na kanyang happy ever after ni Direk Paul Soriano si Toni Gonzaga sa kanilang kasal na ginanap sa Tanay, Rizal.
Matapos ang7- taong relasyon, sa altar din natuloy ang pag-iibigan nina Toni at Direk Paul.
Naiiyak pa si Direk Paul habang sinasambit ang wedding vow nito kay Toni, habang si Toni naman, pinasalamatan si Direk Paul sa tiyaga at determinasyon nito lalo na sa mga panahong hindi aniya ito ang kanyang prayoridad.
Samantala, star-studded ang pag-iisang dibdib nina Toni at Direk Paul kung saan kabilang sa mga ninong at ninang sina Manila Mayor Joseph Estrada, Sarangani Representative Manny Pacquiao, Kris Aquino, Vicky Belo at iba pang bigating personalidad.
Si Mr. Pure Energy Gary Valenciano naman ang official singer para sa espesyal na araw nina Toni at Direk Paul.
By Ralph Obina