Naglaan ang gobyerno ng Isang Bilyong Piso para sa pagkain ng mga mahihirap na Pilipino ngayong Pasko at bagong taon.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na limitado na ang panahon para personal na maipamigay ang mga pagkain kaya’t iniutos na niya sa AFP na buksan ang gate ng kanilang mga kampo para sa mga mahihirap na Pilipino.
Mga masasarap na pagkaing de-lata ang ipamimigay dahil ayaw ng Pangulo ng mga fresh na pagkain dahil abala pa ang pagluluto, bukod pa sa posibilidad na masira ito at makompromiso ang kalusugan ng mga kakain.
Ipinabatid ng Pangulo na sa Davao City ay mayroong libreng lugawan at meron na ring panibago sa Cubao, Quezon City para sa mga nagugutom na Pinoy.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping