Tataas ang singil sa kuryente sa Marso 2017 dahil sa maintenance shutdown ng Malampaya natural gas facility.
Sa pagtaya ng Meralco, Piso kada kilowatt ang magiging dagdag singil.
Paliwanag ng Meralco, ito’y dahil sa inaasahang pagmahal ng kuryente sa spot market at paggamit ng mas mahal na fuel ng mga plantang sinusuplayan ng Malampaya natural gas facility.
Pero, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, target nilang mabawasan ang napipintong pagtaas sa singil sa kuryente.
Nakaiskedyul ang maintenance shutdown ng Malampaya natural gas facility mula January 28 hanggang February 16, 2017.
By: Meann Tanbio