Isinugod sa ospital si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada dahil sa sakit na pneumonia.
Ayon sa anak nitong si Senator JV Ejercito, dinala ang alkalde sa Cardinal Santos Medical Center, noong Miyerkules dahil sa nahihirapan itong huminga.
Sinabi ni Ejercito na nakitaan ng mga doktor ng impeksyon sa baga ang kanyang ama.
Sa ngayon ay patuloy na mino-monitor si Erap at nagpapagaling na matapos sumailalim sa ilang treatment.