Magiging prayoridad ng Department of Interior and Local Government DILG para sa 2017 ang pagbili ng karagdagang baril para sa mga pulis at ang pagdaragdag ng jail facilities.
Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing, ito ay upang makaagapay sa pinaigting na kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.
Pinakamaliit naman aniyang alokasyon ang inilaan ng DILG para sa Office of the Secretary.
Panununog ng NPA
Samantala, tiniyak ni DILG Usec. Epimaco Densing na nakikipag-usap si DILG Secretary Mike Sueno sa kampo ng NPA.
Ito ay upang himukin ang mga ito na ihinto na ang ginagawang panununog sa mga planta at imprastraktura sa mga probinsya.
Sinabi ni Densing na ang mga panununog na ito ay maituturing na paglabag sa ceasefire agreement.
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas