Matatagalan pa bago tuluyang matapos ang rehabilitasyon ng Ayala Bridge.
Ayon kay ana Encarnacion, tagapagsalita ng Frey-Fil Corporation at EEI Corporation na joint venture contractor sa proyekto, posibleng sa katapusan pa ito ng Hulyo matapos dahil hindi pa nila nagawa ang ilang trabaho nila tulad ng pagbuhos ng semento, welding, at pagpipintura dahil sa pag-ulan.
Una rito, inihayag ng DPWH na iuurong sa Hunyo 11 ang pagbubukas ng Ayala Bridge mula sa Carlos Palanca patungong Taft na dapat sana’y noong Abril pa.
By Meann Tanbio