Naglagay ng 27 elevator sa istasyon ng MRT 3.
Ayon sa Department of Transportation, dahil may mga permanenteng magnet na ang mga nasabing cable elevator, hindi na kakailanganin ng langis para gumana.
Sinabi ni MRT 3 General Manager Deo Manalo, makatutulong sa mga pasahero ng MRT ang nasabing mga elevator lalo na’t maraming mga dala-dala ngayon panahon ng Pasko.
Samantala, 5 pang bagong elevator ang ini-install sa mga MRT station sa North Avenue northbound, Ortigas southbound, Buendia concourse, at Ayala southbound.
Inaasahang matatapos ang paglalagay ng mga bagong elevator bago mag-Enero.
By: Avee Devierte