Inatasan ng Malakanyang ang Department of Energy o DOE at iba pang ahensya ng pamahalaan na paghandaan ang pananalasa ng Bagyong Nina.
Base sa direktiba ng Palasyo kay Energy Secretary Alfonso Cusi, sikaping mapanatili ang suplay ng kuryente o kung hindi man ay tiyaking minimal lamang ang magiging epekto ng bagyo sa mga pasilidad ng enerhiya.
Pinaghahanda rin ang mga partner agencies ng DOE para matiyak na hindi maging madilim ang Pasko at Bagong Taon ng mga Pinoy na madaanan ng Bagyong Nina.
Pinakilos na ni Cusi ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP at National Electrification Administration, maging ang mga Electric Cooperative sa mga lugar na tatamaan ng bagyo na maglatag ng precautionary measures para kahit papaano ay magiging masaya pa rin ang Pasko ng mga Pilipino.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping