Tiniyak ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapadeport pabalik ng China ang nalalabing 700 intsik na ilegal na nagta – trabaho sa Clark.
Sinabi ni Aguirre na ito ay sa gitna ng ginagawang imbestigasyon ng DOJ hinggil sa online gambling.
Ayon kay Aguirre maari pa din makabalik at maituloy ni Jack Lam ang kanyang negosyo sa bansa, kung titiyakin nitong babayaran na ang lahat ng kanilang buwis at gagawing ligal ang pagpasok ng manggagawa.
By: Katrina Valle