Inamin ni Gabby Eigenmann na nanahimik lamang siya mula nang malaman niya ang tunay na ama ng anak ng half-sister na si Andi.
Depensa ni Gabby, hindi niya kwento iyon kaya hindi siya nagsalita o nagbigay ng anumang kwento.
Gayunpaman, masaya aniya siya dahil lumabas na ang katotohanang itinago nang 5 taon kung saan nabunyag na ang dating boyfriend ni Andi na si Jake Ejercito ang ama ng kanyang anak.
Kaugnay nito, iginagalang niya raw ang naging diskarte ni Andi sa paglihim ng nasabing impormasyon.
Matatandaang ang nobyo ni Andi noon na si Albie Casino ang itinuro niyang ama ng kanyang anak.
By: Avee Devierte