Ibinaba na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang cyclone warning signals habang tinutumbok ng bagyong Nina ang mga lalawigan ng southern Quezon, Batangas at Cavite.
Ayon kay Weather Forecaster Jori Loiz, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 85 kilometro sa hilagang Romblon, Romblon.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 155 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 255 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa dakong kanluran.
Nakataas ang signal number 3 sa Camarines Sur, southern Quezon, Marinduque. Batangas, northern Oriental Mindoro, Lubang Island, Cavite at Laguna.
Signal number 2 sa Metro Manila, Rizal, northern Quezon kabilang ang Polillo Islands, Bulacan, Bataan, Pampanga, southern Zambales, ilang parte ng Oriental Mindoro, Romblon, nothern Occidental Mindoro, Burias Island, Camarines Norte at Albay.
Nakataas naman ang signal number 1 sa ilang bahagi ng Occidental Mindoro, Masbate kabilang ang Ticao Island, ilang parte ng Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, southern Aurora, Pangasinan, Sorsogon at Catanduanes.
By Jelbert Perdez