Agad pinalikas ng gobyerno ng bansang Chile ang kanilang mga mamamayang naninirahan malapit sa karagatan.
Ito’y makaraang maglabas ng tsunami warning ang United States Geological Survey o USGS bunsod ng pagtama ng magnitude 7.7 na lindol sa karagatang sakop ng Chile sa mismong araw ng Pasko.
Naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 225 kilometro timog-silangan ng Puerto Montt sa Los Lagos.
Bagama’t malakas ang naitalang pagyanig, wala pa namang naitatalang casualty ang national emergency office ng Chile kaugnay nito.
By Jaymark Dagala