Patuloy ang dating ng mga mamimili ng paputok sa Bocaue, Bulacan, apat na araw bago ang bisperas ng Bagong Taon.
Kabilang sa mga mabenta ang mga pailaw gaya ng maliit na fountain na 175 hanggang 200 pesos ang kada pakete.
Mabibili naman sa 125 pesos pataas ang 500 rounds ng sawa habang ang 1,000 rounds ay nasa 250 pesos pataas depende sa klase.
Tres pesos (P3) naman sa kada piraso ng kwitis at P2.50 ang whistle bomb.
Samantala, patuloy ang kampanya ng Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Fire Protection (BFP) laban sa mga illegal firecracker.
By Drew Nacino