Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na pumalo na sa pitumpung (70) posyento ang natutupad sa nakatakdang target kontra iligal na droga.
Ayon kay Dela Rosa, higit isang milyon na mula sa target na 1.8 milyon na mga drug dependent ang naaresto, sumuko o kaya naman ay napatay mula sa lehitimong mga police encounter.
Aniya, sa pagpapatuloy ng kampanya kontra droga ay isusunod naman ang mga high profile personalities na sangkot sa negosyo ng illegal drugs.
Una nang nangako ang Pangulong Rodrigo Duterte na malilinis ang lipunan mula sa droga sa loob lamang ng anim na buwan na kinalaunan ay humirit pa ng hanggang 6 buwan dahil umano sa lawak at dami ng mga sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
By Rianne Briones