Mahigpit na binabantayan ng Department of Health (DOH), ang mga Filipino health workers sa Middle East.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, nakikipagtulungan sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang malaman kung nasaan nakatira at nagtatrabaho ang mga ito.
Agad din aniya silang tinitimbrehan kapag papauwi na ng Pilipinas ang mga health worker, lalo na kung mayroong pasyente na may MERS, sa kanilang ospital na pinagtatrabahuhan.
“Ang atin pong mga Pilipino, lalo na ang mga health workers, alam po ng embassy kung sang hospital sila nagtatrabaho at kung saang community sila nakatira, so lahat po ng ospital na may Pilipinong health worker ay naka-mapping po yun kung saan may nag-aasikaso ng pasyenteng may MERS, sakaling uuwi ng Pilipinas, malalaman naman kasi ng embahada yun, nati-tip na sa atin.” Pahayag ni Garin.
By Katrina Valle | Sapol Ni Jarius Bondoc