Tatlong araw bago ang bisperas ng Bagong Taon, pumalo na sa 90 ang bilang ng mga nabiktima ng mga paputok.
Ayon kay Health Department Assistant Secretary at Spokesman Doctor Eric Tayag, nasa pagitan ng mga edad na 3 at 62 ang mga biktima.
Mga bata ang karamihan sa mga ito at tama sa kanilang mga mata ang pinakamataas na insidente.
Sa kabila ng nasabing mga bilang ng firecracker-related injury ngayon, sinabi ni Tayag na mas mababa pa rin ito ng 39% kumpara sa bilang ng parehong panahon noong isang taon.
By: Avee Devierte