Umabot na sa 4 Bilyong piso ang pinsalang idinulot ng bagyong Nina sa agrikultura sa mga rehiyon ng Calabarzon at Bicol.
Ayon sa Department of Agriculture, napinsala ang mahigit 2 bilyong pisong palay, mahigit 300 milyong pisong mais, at mahigit 1 bilyong pisong high value crops.
Gayunpaman, tiniyak ng mga regional field office sa mga naapektuhang lugar na may nakaabang na imbak ng palay at binhi ng mais na maaaring ipamigay sa mga magsasakang nasalanta ang bukid.
Samantala, sa sektor naman ng pangisdaan, naitala ang tinatayang 41 milyong piso pagkalugi sa imprastraktura, pasilidad, at mga kagamitang napinsala tulad ng mga bangka at fish cage.
By: Avee Devierte