Ibinasura ng Sandiganbayan 1st Division ang mga kasong graft at malversation laban kay Dating Palawan Representative Abraham Mitra at mga kapwa-akusado nito na may kaugnayan sa fertilizer fund scam.
Ito’y matapos pagbigyan ng Anti-Graft Court ang inihaing motion to quash information ng mga respondent.
Kasabay ng pagbasura sa kaso, lifted na rin ang Hold Departure Order o HDO laban kay Mitra at iba pang akusado at iniutos ng korte ang release ng mga inilagak na piyansa.
Base sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, nakipagsabwatan umano si Mitra sa Palawan Regional Officers at Non-Government Organizaton o NGO na Gabay Masa Development Foundation Inc. sa maanomalyang paglalabas ng pondo.
Aabot sa P3 million fertilizer fund project ang inilaan umano ni Mitra sa naturang NGO kahit kulang ito sa kwalipikasyon.
Si Mitra ay kasalukuyang chairman ng Games and Amusements Board na nasa ilalim ng Office of the President.
By: Meann Tanbio