Iginiit ni dating Philippine Ambassador to United Nations Lauro Baja ang back channeling para maresolba ang tensyon sa West Philippine Sea.
Sa gitna na rin ito nang pagmamatigas ng China sa patuloy na reclamation sa nasabing area.
Ayon kay Baja, bukod sa pagbubukas ng linya ng komunikasyon sa lahat ng level, uubra ring ikasa ang back channeling at dapat aniyang tularan ng Pilipinas ang bukas na negosasyon sa pagitan ng iba pang bansang sangkot sa isyu.
Ibinabala pa ni Baja na sakali mang manalo ang Pilipinas sa arbitration case nito sa International Tribunal for the Law of the Sea ay magkakaroon pa rin ng problema ang bansa dahil walang enforcement provision ang arbitration panel.
By Judith Larino