Binigyan ng 24 oras ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang Caloocan Police para mahuli ang mga suspek sa nangyaring pamamaril sa Barangay Bagong Silang nitong Miyerkules kung saan 7 ang nasawi.
Babala ni Dela Rosa, sisibakin niya sa pwesto ang mga opisyal ng pulisya na nakasasakop sa lugar mula sa Station Commander hanggang sa Hepe ng Northern Police District.
Maghihintay aniya siya hanggang 9:00 ng umaga – December 30, sa ipiprisintang report ng Caloocan Police at doon niya titimbangin kung dapat bang mayroong masibak o wala.
Ayon kay Gen. Bato, gusto niyang magsumikap ang Caloocan Police para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kabataang nadamay sa onsehan sa droga.
Pero, lumalabas aniya sa inisyal na imbestigasyon na nagpa-pot session noon ang mga kabataan nang mangyari ang pamamaril.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal