Ipinag-utos na ng Eastern Visayas Provincial Police Office sa mga hepe ng pulisya sa rehiyon na paigtingin ang seguridad sa kanilang mga nasasakupan upang maiwasang maulit ang pambobomba sa Hilongos, Leyte.
Ayon kay Police Regional Office-8 Director, Chief Supt. Elmer Beltejar, mananatili silang nakaalerto bilang bahagi ng mandato ng Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa mga banta at karahasan.
Kinukundena rin anya nila ang nasabing pambobomba na ikinasugat ng 32 katao na pawang nanonood lamang ng amateur boxing competion sa Plaza Rizal na bahagi ng pagdiriwang ng Pista, noong Miyerkules ng gabi.
Tiniyak din ni Beltejar na mahuhuli ang sinumang responsable sa pagpapasabog.
By Drew Nacino