Muling naglunsad ng serye ng mga pag-atake ang Iraqi Armed Forces laban sa ISIS sa Mosul.
Nasa “second phase” na ng opensiba ang militar upang mabawi sa ISIS ang mosul na isa sa nalalabing teritoryo nito sa Iraq.
Katuwang ng Iraqi Forces ang elite counter-terrorism service simula pa noong Oktubre.
Samantala, binomba na ng US-led coalition forces ang mga tulay sa Tigris River upang hindi makalabas ng lungsod ang mga kalaban.
Gayunman, nangangamba ang United Nations na mas maraming sibilyan ang hindi makalikas dahil sa pagkasira ng mga tulay.
Tinatayang 4,000 na ang namamatay kabilang ang halos 1,000 sibilyan sa mahigit tatlong buwang bakbakan sa nabanggit na lungsod.
By Drew Nacino
Photo Credit: Reuters