Patuloy pa ring binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang Low Pressure Area o LPA na nagbabadyang pumasok sa ating bansa sa pagpasok ng Bagong Taon.
Bagama’t malayo pa ang LPA at hindi pa kinakikitaan ng anumang epekto sa ating bansa, ito ay huling namataan sa may eastern section ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, sa oras na pumasok sa PAR o Philippine Area of Responsbility ang nasabing LPA, ito ay tatawaging bagyong Auring, ang kauna-unahang bagyo na papasok sa bansa sa 2017.
Samantala, nakakaapekto sa weather system ng ating bansa ang hanging amihan, partikular sa hilagang Luzon.
Inaasahan namang magiging maaliwalas ang panahon sa iba pang bahagi ng bansa.
By Jelbert Perdez