Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang isla ng Sumbawa sa Indonesia kaninang umaga.
Ayon sa US Geological Survey , naitala ang sentro ng pagyanig 71 kilometro timog silangan ng Raba City, Indonesia at may lalim na 72 kilometro sa ilalim ng dagat.
Wala namang ipinalabas na tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center at wala namang naitalang napinsala sa naturang paglindol.
By Ralph Obina