Hindi na umano mahagilap ng kanyang abogado ang hinihinalang Chinese druglord na si Wang Bo.
Ayon sa abogado ni Wang na si Dennis Manalo, nangangamba siya sa kaligtasan ng kanyang kliyente na posible umanong tino-torture matapos itong i-isolate at hindi payagan na makipagkita sa kanyang legal counsel ng mga opisyal ng Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Iginiit ni Manalo na nilalabag ng mga opisyal ng Camp Bagong Diwa ang karapatan ni Wang Bo na makita ang kanyang pamilya at abogado.
Maituturing din aniya na paglabag sa Anti-Torture Law ang pag-isolate kay Wang ng bilangguan.
Nabatid na huling nakita ni Manalo ang kanyang kliyente nang dumalo sa pagdinig ng writ of habeas corpus petition na isinampa sa Court of Appeals.
By Meann Tanbio