Lomobo na sa 14 na kaso ng illegal discharge of firearms ang naitala ng Philippine National Police o PNP ngayong holiday season.
Base sa datos ng PNP, mula December 16 hanggang 30, umaabot na sa 14 ang kaso ng indiscriminate firing.
10 ang naaresto, kabilang ang isang miyembro ng AFP.
Habang nasa kustodiya ng pulisya ang ilang sibilyan na sangkot sa indiscriminate firing.
Isa naman ang naitalang patay matapos matamaan ng stray bullet o ligaw na bala, habang 4 ang nasugatan.
By: Meann Tanbio