Ipinagmalaki ng Philippine National Police o PNP na pumalo na sa 1 milyon ang bilang ng mga sumukong gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga.
Ito’y batay sa tala ng PNP sa nakalipas na 184 na araw o 6 na buwan mula nang maupo ang Administrasyong Duterte.
Kasabay nito, pumalo na rin sa mahigit 2,100 ang nasawi sa kampaniya o tinatayang 11 ang napapatay kada araw mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 30 noong isang taon.
Samantala, aabot naman sa halos 43,000 drug pushers at users ang naaaresto habang nasa 6 na milyong kabahayan na ang nakakatok ng pulisya sa ilalim ng Oplan Tokhang.
By: Jaymark Dagala