Nakiisa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa taunang pagdiriwang ng Torotot Festival sa Davao City bilang pagsalubong sa bagong taon.
Tinatayang nasa 7,000 hanggang 10,000 ang dumagsa sa Rizal Park kung saan, sabay – sabay nilang inihip ang kanilang mga torotot pagpatak ng alas-12ng hating gabi.
May ilan ding nanalo ng mga supresang papremyo habang may isang nakasungkit ng 50,000 piso para sa may pinaka malikhaing disenyo ng kanilang torotot.
Magugunitang taong 2002 pa nang ipagbawal sa Lungsod ng Davao ang pagbebenta, paggamit at pag-iingat ng mga paputok upang maiwasan ang mga naitatalang bilang ng mga nabibiktima niyon.
By: Jaymark Dagala