Tiniyak naman ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na maglalaan na siya ng oras at panahon para sa kaniyang sarili ngayong bagong taon.
Ito ang New Year’s resolution ng Pnp Chief kasunod ng pag-amin nito na malaki ang inihina ng kaniyang pangangatawan dahil sa sobrang pagtutok sa kaniyang trabaho.
Kadalasan aniya kasing kulang siya sa tulog, pahinga at ehersisyo dahilan ayon sa Heneral ay para mapabayaan ang kaniyang sarili.
Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho, sinabi ni Bato na maghahanap siya ng pagkakataon upang makakuha ng sapat na tulog gayundin ay makapag ehersisyo.
By: Jaymark Dagala