Itinuturing ng Department of Health na napakalaking improvement sa bilang ng firecracker related injuries ang naitala sa kasaysayan sa nakalipas na lima hanggang sampung taon.
Inihayag ito sa DWIZ ni DOH spokesman Assistant Secretary Dr. Eric Tayag may kaugnayan pa rin sa pagsalubong sa bagong taon.
Sinabi ni Tayag na bagamat mababa na ang bilang ng mga naputukan, tatargetin pa rin aniya ng DOH ang zero casualty sa mga susunod na taon.
Executive Order laban sa paputok
Samantala, umaasa si Health Secretary Paulyn Ubial na lalagdaan na ni pangulong Rodrigo Duterte ang executive order patungkol sa implementasyon ng nationwide firecracker ban.
Binigyang-diin ni Ubial na makatutulong ito para pigilan ang indiscriminate firing na kadalasang sanhi ng pagkamatay ng ilang indibidwal tuwing sasapit ang bagong taon.
Ipinaliwanag ni Ubial na mas mamo-monitor ang mga kaso ng ligaw na bala kapag maipatutupad na ang total ban sa mga paputok.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim matapos na tamaan ng ligaw na bala ang isang 15-anyos na dalagita na kasalukuyang nasa kritikal ang kondisyon.
By MeAnn Tanbio