Dahil sa kapabayaan ng mga dati at kasalukuyang administrasyon kaya nalalagay sa alanganin ang maritime capability ng Pilipinas upang igiit ang soberenya nito.
Batay sa 40 pahinang military paper na inilathala ng pahayagang Philippine Star, sinasabing ang Pilipinas bilang isang archipelagic country sunod sa Indonesia ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa aspeto ng navigational sea lanes sa timog silangang Asya.
Gayunman, dahil sa kawalan ng sapat na maritime security at imprastraktura, bigo ang Pilipinas na mabantayan ang may 70,000 international vessels na dumaraan sa Luzon at Malacca Strait gayundin ang mga daanan sa Sulu Sea.
Ilan sa mga problemang kinahaharap ng Pilipinas ay ang mataas na kaso ng human trafficking, weapon’s smuggling at ang pagiging agresibo ng China sa pag-aangkin ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Dahil dito, isinasaad sa nasabing papel ang babala sa Pilipinas na habang pinaiikot ng international law ang kasalukuyang digmaan, magtutuloy-tuloy ang agawan sa teritoryo kabilang na ang soberenya at tanggulang pambansa ng Pilipinas.
By Jaymark Dagala