Pinuri ng Malacañang ang DOH o Department of Health bunsod ng agresibo at istritong kampanya laban sa paputok na naging dahilan ng pagsadsad ng firecracker-related casualties ngayong taon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, naging matagumpay ang DOH sa ‘Iwas-Paputok Campaign’ katuwang ang PNP o Philippine National Police at mga lokal na pamahalaan.
Tiniyak naman ni Andanar na makabubuti para sa lahat ang magiging pasya ng Pangulong Duterte sa panukalang ‘firecracker ban’ sa buong bansa.
Giit ni Andanar, bagama’t ayaw ng Pangulo ng paputok ay batid naman nito na maraming manggagawang maaapektuhan sakaling ipagbawal ito nang tuluyan ng pamahalaan.
By Jelbert Perdez