Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre na nagpadala na ng feeler si Jack Lam nitong Pasko hinggil sa kanyang planong pagbalik dito sa bansa.
Sinabi ni Aguirre na posibleng tinitimbang pa nito ang bigat ng kasong kriminal na nakasampa laban sa kanya at ang ng kanyang investments.
Una nang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Lam na maaari itong bumalik ng bansa kung babayaran nito ang kanyang buwis at kung gagawin na nitong ligal ang kanyang mga negosyo.
“Siguro tinitimbang-timbang ng mga kasamahan ni Jack Lam o si Jack Lam mismo yung mga kondisyones ng kanyang pagbalik dito, kasi meron ding criminal cases na ikinaso sa kanya, higit na malaki ang investment dito ni Jack Lam, sa palagay ko he will take advantage of the offer.”
By Katrina Valle | Karambola