Siniguro ng National Capital Region Police Office o NCRPO na hindi nila pinababayaan ang mga kaso ng pagpatay sa Metro Manila, lalo na ang sa mga umanoy sangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, kanilang inaalam ang aksyong ginawa ng mga Chief of Police sa mga pagpatay sa kanilang nasasakupan at ina – update nila ang kanilang report kada linggo.
Sinabi ni Albayalde na sa kanilang huling tala, sa 1000 “deaths under investigation,” 200 sa mga ito ang naresolba na nila.
By: Katrina Valle / Allan Francisco