Nanawagan ang grupong Ecowaste Coalition sa mga deboto ng Itim na Nazareno na maging responsable at huwag ikalat ang kanilang mga basura sa vigil at traslacion sa Enero 9.
Ayon kay Ochie Tolentino, Campaign Manager ng Ecowaste Coalition, hindi bahagi ng dalisay na pamamanata ang pagkakalat sa Luneta at sa ruta ng traslacion.
Binigyang diin ni Tolentino na ang sandamakmak na basurang kadalasang iniiwan ng mga deboto ay nagiging banta sa kalusugan ng lahat.
Noong nakaraang taon ay nakakolekta ang MMDA ng 30 trak ng basura sa pagtatapos ng traslacion ng Itim na Nazareno.
By: Katrina Valle