Hinimok ng Malacañang ang mga lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng gobyerno na suportahan ang Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa bansa ngayong buwan.
Batay ito sa inilabas na Memorandum Circular Number 13 ni Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan mahigpit din ang direktiba sa mga local executive ang pagbabawal sa paggamit ng pondo ng bayan para sa nasabing patimpalak.
Maglilibot ang mga kandidata ng Miss Universe pageant sa iba’t ibang tourist destinations sa bansa kaya’t makikipag-ugnayan ang Department of Tourism o DOT sa mga lokal na pamahalaan para sa kaayusan at kaligtasan ng mga kalahok sa pageant.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping