Umaasa pa rin ang Government Negoatiating Panel na papasa na ang BBL o Bansamoro Basic Law at maisasagawa ang plebisito ngayong taon.
Ayon kay Professor Miriam Coronel-Ferrer, Chief Negoatiator sa panig ng pamahalaan, makabubuti kung malalaman na sa 2016 elections kung para sa BBL na ang eleksyon o mananatili itong sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sinabi ni Ferrer na hindi rin problema sa kanila ang mga amyenda na ginawa sa BBL dahil nanatili naman ang mga mahahalagang probisyon na napagkasunduan nila ng MILF o Moro Islamic Liberation Front.
“Kung matatapos yung BBL, mukhang ganun naman po ang direksyon ng ating kongreso, ang problema lang talaga ay kung anong itsura nitong magiging BBL na ilalabas, yun po yung malaking tanong, pero kung sa COMELEC naman po, simple lang naman po ang balota niyan, Yes or No lang at napakaliit na lugar lamang.” Ani Ferrer.
Matatandaang, tuloy na bukas, June 16 ang unang bahagi ng decommissioning ng mga armas ng MILF o Moro Islamic Liberation Front.
Ayon kay Professor Miriam Coronel Ferrer, chief Peace Negotiator sa panig ng pamahalaan, ang ceremonial turnover ng mga armas ng MILF ay simbolo lamang ng kabuuang proseso para sa pagbabalik sa normal na sibilyang buhay ng mga miyembro ng MILF.
Dalawampung (20) malalakas na klase ng armas tulad ng rocket propelled grenade, bazooka at iba pa ang nakatakdang i-turn over ng MILF sa decommissioning body at 65 malalakas na uri ng baril.
Ipinaliwanag ni Ferrer na dry run pa lamang ang mangyayari para sa mas malaking hakbang ng proseso para sa registration, documentation at storage ng mga baril.
Ang susunod na decommisioning ng mga armas ay mangyayari sa sandaling maratipikahan na bilang batas ang Bangsamoro Basic Law (BBL) kung saan 30 porsyento naman ng mga armas ng MILF ang kanilang isusuko.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit