Ibinasura ng Sandiganbayan 3rd Division ang kahilingan ni Jessica Lucila “Gigi” Reyes na ibasura ang kasong plunder laban sa kanya na may kaugnayan sa pork barrel fund scam.
Si Reyes ay dating Chief of Staff ni Dating Senador Juan Ponce Enrile na ibasura ang kasong plunder laban sa kanya.
Nakasaad sa resolusyong inilabas ng Anti-Graft Court na wala silang nakitang sapat na basehan para ibasura ang kaso at ihinto ang paglilitis.
Sa inihaing motion to quash, sinabi ni Reyes na nakalilito ang impormasyon ng plunder na inihain ng prosekusyon laban sa kanya partikular ang mga salitang “or” at “and/or” na ginamit sa bill of particulars.
Nanindigan naman ang korte na ang mga patunay na nakasaad sa impormasyon ay sapat para makasuhan siya ng plunder.
By: Meann Tanbio / Jill Resontoc