Sinibak ng Ombudsman si Commission on Higher Education Executive Director Julito Vitriolo dahil sa kinahaharap nitong kaso ng katiwalian.
Iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagtanggal sa serbisyo ni Vitriolo matapos mapatunayang guilty sa mga kasong grave misconduct, gross neglect of duty, incompetence, at inefficiency.
Nag-ugat ang mga naturang kaso sa kabiguan ni Vitriolo na imbestigahan at pigilan ang pag-iisyu ng pamantasan ng Lungsod ng Maynila ng mga Transcript of Record at Diploma na nakabatay sa isang suspindidong education program.
By: Avee Devierte